Uncategorized

Unsent letter | 02

Kamusta ka?
Nabalitaan ko okay ka na.

Pasensya na kung inunfriend kita sa FB. Yun na lang kasi ang paraan ko para makamove-on na ako ng tuluyan sa’yo. Ang hirap pala no? ang sakit sakit pa din hanggang ngayon. Kahit alam ko na ang sagot ay tinatanong ko pa din sa sarili ko kung bakit hindi na pwede maging tayo.

Nasaktan ako sa nalaman ko, hindi ko akalain na ganun lang pala talaga ako kadaling kalimutan. Nakamove-on ka na pala? Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako para sayo, pero hangad ko din naman ang kaligayahan mo. Masakit, sobrang sakit dahil yung mga masasaya nating alaala ay hanggang doon na lang talaga. At mas lalo ka palang naging okay nung ako na mismo ang nag-unfriend sa’yo.

Naguluhan ako sa huli mong mensahe nang napagdesisyunan kong burahin ang Instagram account ko. Alam mo? umiyak ako dahil hindi ko alam kung totoo ba yung sinabi mo na mahal mo ako sa huling pagkakataon. Pero sa huli pinili ko na din sa wakas ang sarili ko. Sa huli nanaig ang gusto kong makausad mula sa masayang alaala nating dalawa.

Pasensya na at nahihirapan akong kalimutan ka. Sobrang minahal lang kasi talaga kita. Siguro nga hindi ako ganun kasapat para ipaglaban at naiintidihan ko na hindi mo nakita sa’kin ang hinahanap mo sa isang babae.

1 thought on “Unsent letter | 02”

  1. Hindi lahat ng umalis gustong umalis
    Hindi lahat ng gustong bumalik nakakabalik
    Hindi lahat ng nababalitaan mo kumpleto

    What you want to see is what you only understand
    You already decide what you want and I already did what I can
    You will never be strong if you hide on word “sadness”

    True happiness is not contained in what you get but in what you become
    Im really sorry on giving you pressure and pushing you harder
    I just want a responsible and happy relationship

    Sometimes love is not enough and not everything is random in the future
    I really love you and I miss you so bad
    And I respect your decision
    Maybe this is my final message
    I wish you all the best

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *