Uncategorized

Unsent letter | 01

Kamusta ka?
Sana ok ka.
Yung lang naman gusto ko para sa’yo.
Maging ok at masaya ka.

Sa huling pagkakataon gusto kong malaman mo na nandito pa din ako para sa’yo kahit wala ng tayo.

Pero gusto ko ng matapos ‘to, gusto ko ng tapusin ‘to. Mas makakabuti na din siguro na hindi na ako magpakita para makausap ka sa personal at itanong kung bakit hindi na pwede maging tayo.

Eto na ang huling makakausap kita kaya gusto kong malaman mo, sorry, patawad sa mga nagawa ko na nakasakit sa’yo. Sa mga pagkukulang na hindi ko napunan, mga bagay na hindi mo nakita sa’kin at sana’y makita at mahanap mo sa iba.

Sa totoo lang gusto ko pang ipaglaban ang sa ating dalawa pero paano kung ayaw mo na talaga. Sana balang-araw kung sakaling magtagpong muli ang mga landas nating dalawa, sana’y kaya ko ng ngumiti kapag nakita kita. At nawa’y parehas na tayong masaya.

Salamat sa lahat ng saya at sakit na naranasan ko sa’yo. Gustuhin ko mang makalimot pero paano kung masasayang alaala ang nabuo sa ating dalawa? And if it’s God’s will to break my heart from someone like you then I have to accept that.

And now this is me saying goodbye for the last time and finally letting you go. Sana mawala na ‘tong pain kasi sobrang tagal na.

Thank you sa happy memories, my firsts and happiness every time when I’m with you.

It’s been 5 months since we broke up but I still love you from the first time that we met.

Good bye.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *